Friday, December 28, 2018


Talambuhay ni Emilio Aguinaldo

Si Emilio Aguinaldo y Famy  ay ipinanganak noong Marso 22,1869 sa Kawit. Siya ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay angunang Pangulo ngRepublika ng Pilipinas Enero 20, 1899-Abril 1, 1901.Isa siyang bayaningnakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa labansa Espanya noong 1896.Makaraang magapi ng EstadosUnidos ang Espanya noong 1898,ipinahayag niya ang kalayaan ngPilipinas at umupo bilang unang pangulo ngPilipinas noong Hunyo 1899.Malakas ang kaniyang loob subalitnilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng EstadosUnidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mgahangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyangpinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakipsiya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901,makaraangmakipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatansa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggangsa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946.Tumakbosiya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni ManuelQuezon.Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.Siya rin ang pinakabatang pangulong Pilipinas.


No comments:

Post a Comment