Talambuhay ni Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo y Famy
ay ipinanganak noong Marso 22,1869 sa Kawit. Siya ay isang Pilipinong
heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay angunang Pangulo ngRepublika ng
Pilipinas Enero 20, 1899-Abril 1, 1901.Isa siyang bayaningnakibaka para sa
kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa labansa
Espanya noong 1896.Makaraang magapi ng EstadosUnidos ang Espanya noong
1898,ipinahayag niya ang kalayaan ngPilipinas at umupo bilang unang pangulo
ngPilipinas noong Hunyo 1899.Malakas ang kaniyang loob subalitnilarawang
baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng EstadosUnidos ang kaniyang hangarin.
Nang maging ganap at lantad ang mgahangarin ng Estados Unidos hinggil sa
Pilipinas, muli niyangpinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901.
Nadakipsiya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso
1901,makaraangmakipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng
katapatansa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggangsa
tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946.Tumakbosiya bilang
pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni ManuelQuezon.Sa mga huling
panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.Siya
rin ang pinakabatang pangulong Pilipinas.